weheartCHARICE
06/20/12 - ABS-CBN PR - “THE X FACTOR PHILIPPINES” PREMIERES THIS SATURDAY Vipird10

Welcome to weheartCHARICE. If you haven't already, we cordially invite you to register and join in on our discussions! Thanks!

Charice Fan Site and Forum

CHARICE just completed:      The 2012 TOFA-NY Awards - Carnegie Hall, New York (10/27/12)           and            Charice Infinity Tour 2012 - Honolulu, Hawaii (11/03/12)

You are not connected. Please login or register

06/20/12 - ABS-CBN PR - “THE X FACTOR PHILIPPINES” PREMIERES THIS SATURDAY

Go down  Message [Page 1 of 1]

clothes_w

clothes_w
Admin
Charice article
“THE X FACTOR PHILIPPINES” PREMIERES THIS SATURDAY
JUNE 20, 2012 6:15 AM ADMIN

06/20/12 - ABS-CBN PR - “THE X FACTOR PHILIPPINES” PREMIERES THIS SATURDAY X-factor-poster-revised-small

The country’s biggest and grandest musical event of the year kicks off this Saturday (June 23) as ABS-CBN premieres the much-awaited Philippine adaptation of the worldwide phenomenal hit ‘X Factor’ franchise, “The X Factor Philippines,” with KC Concepcion as host and Martin Nievera, Gary Valenciano, Charice Pempengco, and Pilita Corrales as celebrity judge-mentors.

“The X Factor Philippines” is searching for undiscovered talent 16 years old and above that will be divided into four categories: Girls, Boys, Adults and Groups. They should be willing to brave the panel for a chance to win the biggest prize in a Philippine singing competition, a whopping P4 million worth of prizes, and become the next Pinoy multimedia star.

After months of auditions in 70 cities across the country, more than 20,000 hopefuls flocked to the audition venues in hopes of fulfilling their dreams. But it wasn’t an easy ride for each and every one of them as they underwent a tedious screening process.

As early as the audition stage, the hopefuls must instantly impress the judges and at the same time an audience of thousands that can be a potential legion of fans. The auditionees need at least three yes’s from the judge-mentors to be able to proceed to the next stage— the Boot Camp.

In the Boot Camp, selected contestants will go through a series of performances that will further test their ‘x factor.’ This will enable the judge-mentors to select and trim them down to 20 contestants divided in four categories— five solo male contestants aged 16-25 or the “Boys,” five solo female contestants aged 16-25 or “Girls,” five solo contestants over 25 years old or the “Adults,” and five group contestants aged 16 and above or the “Groups.”

Before advancing to the Judges’ Homes stage, “The X Factor Philippines” producers will then reveal which category judge-mentors Martin, Gary, Charice, and Pilita will be mentoring. The judge-mentors then take the contestants to their respective “Judge’s Home” where they will select the best performers to take to the live show.

Only three contestants from each category will complete the final 12 contestants who will proceed in the last and final stage of the competition. At this point, the finalists must face the fifth and final judge who has the sole power to turn their dream of becoming a star into reality— the viewers.

Who will become the first grand winner of “The X Factor Philippines” and win about P4 million in prizes? Will the winner come from the Boys, Girls, Adults, or Groups? Who among the mentors will coach the country’s next singing superstar?

Watch out for jaw-dropping performances from auditionees and unexpected tensions among the celebrity judge-mentors. More surprises are also coming your way in weeks to come.

First introduced in the UK, “The X Factor” has conquered more than 30 countries as of mid-2011 and produced more than 50 winners around the world. Its UK format gave birth to multi-platinum album selling artists Leona Lewis, Alexandra Burke and the newest group hitting the charts, One Direction. To date, it is considered to be UK’s biggest talent search.

Meanwhile, in the US, the second season of “The X Factor USA” will soon hit TV screen with Britney Spears and Demi Lovato joining the judges table. Together with Simon Cowell and L.A. Reid, they are about to search the successor to first “The X Factor USA” grand winner, Melanie Amaro.

Don’t miss the much-awaited premiere of the country’s biggest and grandest musical event of the year, “The X Factor Philippines,” this Saturday (June 23) after “MMK,” on ABS-CBN. The show also airs on Sundays after “Sarah G Live.”

-30-

Sino sa mga Pinoy ang may ‘x factor?’
“THE X FACTOR PHILIPPINES,” AARANGKADA NA SA SABADO

Magaganap na ang pinakamalaki at pinakaengrandeng musical event ng taon ngayong Sabado (June 23) sa pag-arangkada ng pinakaabangang pagsisimula ng “The X Factor Philippines” sa pangunguna ni KC Concepcion bilang host at Martin Nievera, Gary Valenciano, Charice Pempengco, at Pilita Corrales bilang celebrity judge-mentors.

Hinahanap ng “The X Factor Philippines” ang mga natatanging talento edad 16 patas, na hahatiin sa apat ka kategorya—Girls, Boys, Adults, at Groups. Kinakailangan nilang mangahas na harapin at sanayin ng batikang mga hurado sa pag-asang magwagi ng pinakamalaking papremyong ipamimigay sa isang Philippine singing competition— P4 milyon na halaga ng papremyo— at maging susunod na Pinoy multimedia star.

Matapos puntahan ang 70 siyudad at munisipalidad sa bansa, mahigit 20,000 ang sumubok ng kanilang kapalaran at abutin ang kanilang pangarap. Talagang patibayan ng loob at pahusayan ang labanan dahil kinakailangan nilang dumaan sa matinding proseso ng screening.

Sa audition pa lang ay kakaibang pressure na ang kailangang pagdaraanan ng mga sasali dahil bukod sa pagpapakitang gilas sa harap ng mga judge-mentors ay kailangan din nila mapabilib ang live audience. Sa oras na makakuha sila ng tatlong yes sa mga judge-mentors ay pasok na sila sa susunod na round— ang Boot Camp.

Sa Boot Camp naman ay mas lalong susubukin ang kanilang husay sa pagtatanghal para mas lumitaw kung sino sa kanila ang may ‘x factor.’ Dito ibabase ng mga judge-mentors kung sino ang pipiliin 20 contestants na aabante sa sunod na round. Hahatiin ang 20 sa apat na kategorya— limang solo male singers na may edad 16-25 o “Boys,” limang solo female singers na may edad 16-25 o “Girls,” limang solo singers na higit 25 taong gulang ang edad o “Adults” at limang grupo na may mga edad 16 pataas o “Groups.”

Sa puntong ito, ipapaalam na ng producers ng “The X Factor Philippines” sa judge-mentors na sina Martin, Gary, Charice, at Pilita kung aling grupo ang mapupunta sa kanila para sanayin at hubuging maging isang total performer.

Para magawa ito, titira ang mga grupo kasama ang kanilang judge-mentor sa isang bahay sa tinatawag na Judges’ Homes round ng kumpetisyon. Tuturuan sila nga mga ito kung paano mapapahusay ang kanilang pagtatanghal, pag-awit, pagsayaw, pati na rin pag-aayos ng sarili at pagdadamit para mas mailabas pa ang kanilang superstar potential.

Tanging tatlong contestants bawat kategorya ang matitira at siyang bubuo sa final 12 contestants na maglalaban laban sa live shows. Dito makakaharap na nila ang ikalima at pinakamatinding judge na kailangan nilang harapin at pabilibin— ang mga manonood.

Sino kaya ang pinakaunang hihiranging grand winner ng “The X Factor Philippines” at manalo ng P4 milyon halaga ng papremyo? Mangagaling kaya sa mga Boys, Girls, Adults, o Groups ang magwawagi? Sino sa mga judge-mentors ang magsasanay sa susunod na singing superstar ng bansa?

Pakaabangan ang makatinding balahibong performances ng mga nag-audition at mainiit na banggaan sa pagitan ng mga judge-mentor. Maraming sorpresa din ang naghihintay sa mga darating na episodes ng programa.
Unang ipinakilala ang “The X Factor” sa UK at ito ang nagbigay buhay sa multi-platinum album selling artists na sina Leona Lewis, Alexandra Burke, at pinakabagong kinababaliwan boy band ngayon na One Direction. Hanggang ngayon, nanatili itong pinakamalaking talent search sa UK.

Pinasok na nito ang mahigit 30 bansa sa iba’t ibang panig ng mundo at mayroon ng 53 X Factor winners na ang kinilala ng kumpetisyon kabilang na ang unang “The X Fatcor USA” winner na si Melanie Amaro. Nakatakda ng magsimula ang ikalawang season nito sa US kasama ang pinakabagong judge-mentors na sina Britney Spears at Demi Lovato.

Huwag palalampasin ang pagsisimula ng pinakamalaki at pinakaengrandeng musical event ng taon, ang “The X Factor Philippines,” ngayong Sabado (June 23), pagkatapos ng “MMK,” at mapapanood din tuwing Linggo, pakatapos ng “Sarah G Live,” sa ABS-CBN.

-30-

06/20/12 - ABS-CBN PR - “THE X FACTOR PHILIPPINES” PREMIERES THIS SATURDAY The-X-Factor-Phillipines-Judge-Mentors-and-Host-2

06/20/12 - ABS-CBN PR - “THE X FACTOR PHILIPPINES” PREMIERES THIS SATURDAY Charice

Source

Also posted in Inquirer.net on June 21, 2012.


_________________
Welcome to weheartCHARICE.com, a fan forum dedicated to the one and only Charice!

To view forum properly, please enable HTML by doing the following:

1. Go to "Profile" on your top menu
2. Click "Preferences"
3. Select "Yes" for Always allow HTML
http://www.weheartcharice.com

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum